Lechon Paksiw

Napakadali at masarap na recipe ng Lechon Paksiw!

Jump to Recipe

English

Tuwing may handaan at may tirang Lechong Baboy, isa ang Lechon Paksiw sa maaari mong gawing luto rito. Paksiw ang tawag sa isang klase ng luto na gamit ang suka. Madali lamang itong lutuin. Pagsama-samahin lang ang lahat ng mga sangkap sa isang kaldero o kawali at pakuluan hanggang sa maging malambot na malambot ang lechong baboy. Tamang tama lang ang timplang maasim-asim, manamis-namis at malinamnam na Lechon Paksiw.

Mga Kakailanganing Sangkap

  • 1 – 2 kilong Lechong Baboy 0 Lechong Kawali
  • 6 – 8 butil ng pinitpit na bawang
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas, hiwain ng pahaba o panggisa
  • 2 dahon ng Laurel
  • 1 kutsaritang pamintang buo
  • 1/2 tasa ng suka (ang gamit ko ay Datu Puti Vinegar)
  • 1/2 tasa ng tubig
  • 3 kutsarang Toyo (45 ml, ang gamit ko ay Marca Piña Soysauce)
  • 2 kutsarang pulang asukal o demerara
  • 1 bote ng Sarsa ni Mang Tomas / Mang Tomas Sauce (550g)

Paraan sa Pagluluto ng Lechon Paksiw

Sa pagluluto ng Lechon Paksiw, ihanda ang isang malinis at malalim na kaldero o kawali at ilagay ito sa ibabaw ng kalan ngunit huwag muna nating painitin ang kalan. Kapag nailagay na ang lahat ng sangkap sa kaldero o kawali ay saka pa lamang natin bubuksan o paiinitin ang kalan. Huwag na huwag hahaluin ang inyong niluluto kung nilagyan ninyo ito ng suka dahil mahihilaw ang lasa ng suka. Ang ibig sabihin nito ay papangit ang lasa ng suka at hindi magiging masarap ang lasa ng inyong niluluto.

  1. Unang ilagay sa kaldero ang isa o dalawang kilo ng lechong baboy. Ang ginamit namin sa ating recipe video ay ang lechong liempo o pork belly. Maaari ring gumamit ng ibang parte ng natirang lechong baboy. Maaari ring gumamit ng Lechong kawali sa recipe na ito.
  2. Sunod na ilagay sa kaldero ang anim hanggang walong butil ng pinitpit na bawang. Pinitpit natin ang bawang para lumabas ang lasa ng bawang sa ating lulutuin.
  3. Isunod na ilagay ang sibuyas na hiniwang pahaba o panggisa. Maaaring gumamit ng pula o puting sibuyas depende sa inyong panglasa.
  4. Maglagay ng 2 dahon ng laurel at 1 kutsaritang pamintang buo
  5. Sa isang malukong na lalagyan, haluing mabuti ang tig-kalahating tasa ng puting suka at tubig, 3 kutsarang toyo (45 ml), at 2 kutsarang asukal na pula. Ibuhos ito sa kaldero na ating paglulutuan ng lechon paksiw.
  6. Huling ibuhos ang Mang Tomas Sauce. Banlawan ng kaunting tubig ang bote ng sarsa upang makuha lahat ng laman nito.
  7. Haluing mabuti ang lahat ng sangkap sa kaldero. Siguruhing natatakpan ng tubig o sarsa ang baboy.
  8. Takpan ang kaldero at buksan ang kalan ng katamtamang init at hintaying kumulo. Huwag na huwag itong hahaluin hanggat hindi kumukulo upang hindi masira ang lasa ng suka.
  9. Kapag kumulo na ay hinaan ang init ng kalan. Palambutan ang lechon ng 35-45 minuto o hanggang sa gusto ninyong lambot ng karne.
  10. Kapag malambot na malambot na ang lechon ay maaari na nating ilipat sa serving plate. Ihanda ang Lechon Paksiw kasabay ang mainit-init na kanin at malamig na malamig na softdrinks 🙂
  11. Enjoy!

Lechon Paksiw

Shey
Prep Time 10 mins
Cook Time 45 mins
Servings 5 people

Ingredients
  

  • 1-2 kilo Lechong Liempo o Pork Belly Maaari rin ang ibang parte ng Lechong baboy. Maaari ring gamitin ang Lechong Kawali
  • 6-8 butil Bawang pinitpit
  • 1 piraso Sibuyas hiwain ng pahaba o panggisa
  • 2 dahon Laurel
  • 1 kutsarita Pamintang buo
  • 1/2 tasa Suka Puti, ang gamit ko ay Datu Puti
  • 1/2 tasa Tubig
  • 3 kutsara Toyo o 45ml Marca Pina Soysauce ang gamit ko
  • 2 kutsara Asukal na Pula o Demerara
  • 1 bote Mang Tomas Sauce 550g

Instructions
 

  • Sa pagluluto ng Lechon Paksiw, ihanda ang isang malinis at malalim na kaldero o kawali at ilagay ito sa ibabaw ng kalan ngunit huwag muna nating painitin ang kalan.
  • Unang ilagay sa kaldero ang isa o dalawang kilo ng lechong baboy.
  • Sunod na ilagay sa kaldero ang pinitpit na bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo
  • Sa isang malukong na lalagyan, haluing mabuti ang tig-kalahating tasa ng puting suka at tubig, 3 kutsarang toyo (45 ml), at 2 kutsarang asukal na pula. Ibuhos ito sa kaldero na ating paglulutuan ng lechon paksiw.
  • Huling ibuhos ang Mang Tomas Sauce. Banlawan ng kaunting tubig ang bote ng sarsa upang makuha lahat ng laman nito.
  • Haluing mabuti ang lahat ng sangkap sa kaldero. Siguruhing natatakpan ng tubig o sarsa ang baboy.
  • Takpan ang kaldero at buksan ang kalan ng katamtamang init at hintaying kumulo. Huwag na huwag itong hahaluin hanggat hindi kumukulo upang hindi masira ang lasa ng suka.
  • Kapag kumulo na ay hinaan ang init ng kalan. Palambutan ang lechon ng 35-45 minuto o hanggang sa gusto ninyong lambot ng karne.
  • Kapag malambot na malambot na ang lechon ay maaari na nating ilipat sa serving plate. Ihanda ang Lechon Paksiw kasabay ang mainit-init na kanin at malamig na malamig na softdrinks! Enjoy! 🙂

Leave a Reply

Recipe Rating