Go Back

Lechon Paksiw

Shey
Prep Time 10 mins
Cook Time 45 mins
Servings 5 people

Ingredients
  

  • 1-2 kilo Lechong Liempo o Pork Belly Maaari rin ang ibang parte ng Lechong baboy. Maaari ring gamitin ang Lechong Kawali
  • 6-8 butil Bawang pinitpit
  • 1 piraso Sibuyas hiwain ng pahaba o panggisa
  • 2 dahon Laurel
  • 1 kutsarita Pamintang buo
  • 1/2 tasa Suka Puti, ang gamit ko ay Datu Puti
  • 1/2 tasa Tubig
  • 3 kutsara Toyo o 45ml Marca Pina Soysauce ang gamit ko
  • 2 kutsara Asukal na Pula o Demerara
  • 1 bote Mang Tomas Sauce 550g

Instructions
 

  • Sa pagluluto ng Lechon Paksiw, ihanda ang isang malinis at malalim na kaldero o kawali at ilagay ito sa ibabaw ng kalan ngunit huwag muna nating painitin ang kalan.
  • Unang ilagay sa kaldero ang isa o dalawang kilo ng lechong baboy.
  • Sunod na ilagay sa kaldero ang pinitpit na bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo
  • Sa isang malukong na lalagyan, haluing mabuti ang tig-kalahating tasa ng puting suka at tubig, 3 kutsarang toyo (45 ml), at 2 kutsarang asukal na pula. Ibuhos ito sa kaldero na ating paglulutuan ng lechon paksiw.
  • Huling ibuhos ang Mang Tomas Sauce. Banlawan ng kaunting tubig ang bote ng sarsa upang makuha lahat ng laman nito.
  • Haluing mabuti ang lahat ng sangkap sa kaldero. Siguruhing natatakpan ng tubig o sarsa ang baboy.
  • Takpan ang kaldero at buksan ang kalan ng katamtamang init at hintaying kumulo. Huwag na huwag itong hahaluin hanggat hindi kumukulo upang hindi masira ang lasa ng suka.
  • Kapag kumulo na ay hinaan ang init ng kalan. Palambutan ang lechon ng 35-45 minuto o hanggang sa gusto ninyong lambot ng karne.
  • Kapag malambot na malambot na ang lechon ay maaari na nating ilipat sa serving plate. Ihanda ang Lechon Paksiw kasabay ang mainit-init na kanin at malamig na malamig na softdrinks! Enjoy! :)